Sumampa na sa mahigit 1,300 ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) as of April 25, pumalo na sa 1,337 ang kabuuang bilang ng mga OFW’s sa iba’t-ibang bansa at rehiyon ang apektado ng nasabing virus.
825 sa mga ito ang patuloy pa ring ginagamot sa iba’t-ibang ospital batay sa mga bansa kung saan sila nakabase.
328 naman sa mga ito ang recoveries o gumaling na sa sakit at na-discharge na sa ospital.
Gayunman, 184 naman ang bilang ng mga Pinoy sa ibayong dagat ang nasawi dahil sa COVID-19.
Nangunguna pa rina ng Europa sa mga pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa hanay ng OFW’s na nasa 413 kaso at sinundan naman ito ng Middle East na may 270 kaso.