Ilalagay pa rin sa quarantine ang mga OFWs na umuwi na sa kanilang mga lalawigan.
Partikular na tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga bayan o syudad na walang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Una nang sinabi ng League of Provinces of the Philippines na kailangang i-quarantine at i-COVID-19 test pa rin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi sa kanilang lalawigan.
Gayunman, ayon kay Año, napagkasunduan rin nila na maaari nang mag self-quarantine ang isang OFW kung mayroong sapat na espasyo sa kanilang bahay.
Kailangan naman maglaan ng quarantine facility ang bayan o syudad para sa mga umuwing OFWs na walang espasyo sa kanilang tahanan.