Pumalo na sa higit 100,000 mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) ang naghihintay na makabalik bansa makaraang mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inaasahan pang tataas ang bilang, depende sa sitwasyon ng ating mga kababayan sa ibang bansa.
Mababatid na sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagpapauwi ng pamahalaan sa mga OFW’s na aabot sa 1,000 hanggang 3,000 kada araw.
Kasunod nito, pagtitiyak ni Secretary Bello, na mabibigyan ng tulong pinansyal at iba pang pagkakakitaan ang mga OFW’s oras na makauwi ang mga ito ng bansa.