Umabot na sa 24,000 ang bilang ng mga Pinoy na nakauwi na sa bansa mula sa Saudi Arabia.
Ito’y bahagi ng patuloy na pagpapauwi ng pamahalaan sa mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) ngayong nakararanas ang buong mundo ng pandemya dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Maliban sa Department of Foreign Affairs (DFA) chartered flights na nag-uuwi sa mga OFW, katuwang din ang mga commercial flights ng Philippine Airlines at Saudi Airlines.
Kaugnay nito, nag-abiso ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na ang mga Pinoy na mayroon nang exit visas at walang kakayahang bumili ng tickets ay maaaring mag-request ng repatriation assistance sa embahada.