Mahigit na sa 30,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nakauwi na ng bansa mula nang sumiklab ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac, 20,000 dito ay mga seafarers samantalang mahigit sa 10,000 ang land-based workers.
Sa ngayon anya ay nasa 12,000 pa ang nananatili sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil naka-quarantine.
Tatanggap anya ng P10,000 cash assistance ang mga umuwing OFWs at dagdag na P10,000 para sa mga nagpositibo sa COVID-19.