Posibleng umabot sa 300,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang uuwi ng bansa ngayong taon.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, nasa 27,000 na ang kanilang na-repatriate samantalang may mahigit pa sa 40,000 ang inaasahang darating hangang sa Hunyo.
Sinabi ni Año na halos lahat ng bansa sa mundo ay naka-lockdown dahil sa COVID-19 pandemic kaya’t pinauuwi talaga ang mga dayuhang manggagawa, hindi lamang ang mga Pilipino.
Sa ilalim ng programa ng Department of Labor and Employment (DOLE), tatanggap ng $200-dollars o katumbas ng P10,000 ang mga OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.