Idi-diretso na ng gobyerno sa mga lalawigan ang mga papauwi pang Overseas Filipino Workers (OFW)’s.
Ayon ito kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na nagsabing nasa 44,000 OFW’s pa ang uuwi sa bansa sa mga susunod na araw.
Marami naman aniyang mga lalawigan ang mayruon nang sariling quarantine facilities kayat para hindi maipon sa metro manila ay ididiretso na rito ang mga OFW’s.