Nanawagan ang isang senador sa pamahalaan na huwag ipagbawal ang mga papauwing mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Senador Joel Villanueva, ito’y dahil unti-unti nang nauubos ang kanilang savings o ipon para sa kanilang pamilya habang sila’y stranded sa ibayong dagat.
Kung kaya’t giit ng chairman ng senate labor committee na si Villanueva, ang bawat Pinoy na nawalan ng trabaho, unti-unti nang nauubos ang sahod at ipon, at hindi nakikita ang pamilya ay masasabing nasa distress na sitwasyon.
Kung kaya’t, ani Villanueva, huwag hayaan na humantong ang mga ito sa pamamalimos para makakain. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno