Binigyan na ng ultimatum ni pangulong Rodrigo Duterte ang mga kumpanyang pag-aari ng mga oligarko.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung mabibigo ang mga oligarko na magbayad ng kanilang buwis sa loob ng tatlong buwan, mapipilitan siyang paki-usapan ang mga Filipino na okupahin ang lupang kinatitirikan ng mga kanilang mga negosyo na pag-aari naman ng gobyerno.
Sa kanyang pagharap sa mga labor group sa People’s Park sa Davao City para sa pagdiriwang labor day, inihayag ng Pangulo na maaari namang mamili ang mga mamamayan kung sa Makati o Pasay nila nais mag-okupa ng mga ari-arian ng mayayamang hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Bagaman walang partikular na tinukoy ang Pangulo, iginiit nito na hindi naman anya maikakaila kung sinu-sino ang mga oligarkong tax evader.
By: Drew Nacino