Binigyan na ng palugit ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga online gambling establishments sa lungsod.
Sa Facebook at Twitter post sinabi ng Alkalde, na mayroon na lamang isang taon ang naturang mga establisyimento para tuluyang isara ang kanilang operasyon sa Pasig City.
Kasunod ito ng balitang ibinenta umano ng isang babae ang kaniyang anak kapalit ng pera para makapagsugal.
Batay sa City Ordinance no. 55 series of 2022, na nilagdaan ng Pasig City Council noong December 15, hindi na papayagan o bibigyan ng permits ang mga online gambling establishments gaya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sakop din nito ang online casinos, e-games, online sabong, e-bingo outlets, online poker, computer gaming stations at iba pa.
Ayon kay Sotto, hindi na pahihintulutan ng Pasig City Government, ang operasyon, aplikasyon at pag-apruba sa mga licenses to operate ng mga online games sa lungsod.
Ang sinomang lalabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng halagang P5,000 pagkakakulong ng mahigit isang taon.