Balak na ngayong isailalim sa rehistro ang lahat ng mga online seller matapos ang kinahaharap na krisis ng bansa sa COVID-19.
Ito’y ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) ay bahagi ng kanilang hakbang na mabantayan ang galaw ng mga online seller mula sa pang-aabuso.
Ayon kay Trade Usec. Ruth Castelo, walang pinagkaiba ang mga produktong ibinebenta pisikal man o online salig sa itinatakda ng Consumer Act of the Philippines.
Pinag-aaralan na rin ng DTI ang pagtatakda ng cap o limitasyon sa delivery fees sa online selling na ayon kay Castelo ay madalas inirereklamo ng mga konsyumer.
Batay sa datos, di hamak na mas mababa ang presyo ng delivery fee sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya.