Nagbabala ang provincial veterinarian ng Negros Occidental sa mga online sellers at biyahero na nagtatangkang magpuslit ng karneng baboy papasok sa lalawigan.
Ayon kay Provincial Veterinarian Renante Decena, agad kukumpiskahin at sisirain ang mga makukuhang karneng baboy sa mga ito.
Nitong Huwebes, aabot sa 27.1 kilograms ng assorted pork products na nagkakahalaga ng 12,350 pesos ang sinunog matapos dumating sa Bacolod Silay Airport.
Nananatiling ASF-Province ang Negros Occidental upang protektahan ang anim na bilyong pisong swine industry sa lalawigan. —sa panulat ni Abby Malanday