Pinag-iingat ng DTI ang mga online shopper sa pagbili ng mga produkto.
Ito ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo ay para ma protektahan ang card details at personal information ng mga shopper.
Pinayuhan ni Castelo ang publiko na huwag mag order mula sa mga website na mayruong Universal Resource Locator (URL) o link na nagsisimula sa http.
Ang ‘http’ aniya ay nangangahulugang hindi ito secure kaya’t ang dapat hanapin ay ‘https’ dahil ang ibig sabihin ng “s” ay may seguridad ang page.
Sinabihan din ni Castelo ang online shoppers na palaging mag log-out ng lahat ng kanilang account matapos gumamit ng isang public device.
Hindi aniya dapat pang i-post ang mga update sa social media hinggil sa mga finances.