Pinag-aaralan na ng Department of Finance (DOF) na patawan ng buwis ang mga produktong binibili online.
Ayon kay Finance secretary Benjamin Diokno, kailangang maging patas ang pagbili sa mga Online store katulad ng pagbili sa normal na tindahan na may binabayaran pa ring buwis.
Kabilang sa Tax reform ng gobyerno ang pagpapataw ng buwis sa mga Online purchase para makakolekta ng mas malaking kita.
Maliban sa pagbili online, target ding buwisan ang mga single-use plastic bilang bahagi ng pagsugpo sa climate change.