Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga may-ari ng minahan na maawa sa bayan at limitahan ang pagsira sa kalikasan.
Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa South Korea, sinabi ng Pangulo na kinakailangan aniya na magkaroon ng kompromiso para tiyakin na mapangangalagaan ang kalikasan para sa mga Pilipino.
Dahil dito, ibinabala ng Pangulo ang papasara sa mga open pit mining kung patuloy aniya itong magsasawalang bahala sa kapakanan ng nakararami.
Iyang open pit mine, it’s destroying the country. Baka ipasara ko talaga ang mining na open pit. A lot of places in the Philippines where mining is being done, polluted na ‘yung tubig, walang problema ‘yan sa mga mayayaman, ang problema ko ‘yung marine life para sa mga fisher folk. Pahayag ni Pangulong Duterte