Nanawagan ang mga drayber at operator ng taxi na maisama ang mga ito sa listahan ng mga makatatanggap ng fuel subsidy mula sa pamahalaan.
Matatandaang inaprubahan ng gobyerno ang pamimigay ng isang bilyon halaga ng fuel subsidy sa mga drayber ng pampublikong sasakyan.
Sa isang panayam inihayag ng Pangulo ng Philippine National Taxi Operators Association Bong Suntay na nagtataka raw ito kung bakit hindi nasama ang ibang mode ng public transportation sa subsidy na ibinigay ng gobyerno gayung karamihan sa mga tsuper ng taxi ay gumagamit rin ng gasolina o LPG na sabay nagtaas presyo
Dgdag pa ni Suntay, patuloy na naaapektuhan ang operasyon ng mga taxi buhat ng lockdown, curfew at limitadong curfew hours. Mayroon mga operators na rin ang nagsisibitawan ng prangkisa dahil nalulugi na sila. —sa panulat ni Joana Luna