Humihiling ng P15 na dagdag pasahe ang mga operator at drivers ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) para maitaas sa P55 ang base fare.
Ayon sa TNVS Community, hindi sapat ang kanilang kinikita dahil sa pagtaas ng presyo ng mga piyesa kasabay ng sunod-sunod na mataas na halaga ng produktong petrolyo.
Bukod pa dito, ang mga pamilya, driver at jeepney operators ang pinaka nahihirapan dahil sa mataas na presyo ng langis at iba pang pangunahing bilihin.
Iginiit ng grupo na kanilang itutuloy ang petisyon kahit pa makasama sila sa mabibigyan ng mahigit P6K subsidy dahil panandalian lamang ang naturang ayuda. —sa panulat ni Angelica Doctolero