Humihiling ng dagdag singil sa gobyerno ang mga operator sa EDSA bus carousel na nagbibigay ng libreng sakay.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairperson Cheloy Garafil, dalawang bus consortium sa EDSA runway ang umaalma para sa dagdag-singil ng kanilang libreng sakay.
Ito’y bunsod ng pagtaas ng presyo ng diesel sa kabila ng tatlong magkasunod na linggo namang rollback.
Iminungkahi ng E.S. Transport at Mega Manila Bus Operator na itaas ang bayad sa kanila batay sa layo ng pasada ng bawat bus lalo’t otsenta pesos ang kada litro ng diesel.
Kamakailan ay inihayag ng LTFRB Na nagbayad na ang pamahalaan ng P659-million sa mga bus operator para sa sampung linggong libreng sakay sa EDSA.