Aminado ang Philippine Coast Guard (PCG) na posibleng walang pananagutan ang mga operator ng mga pampasaherong bangka na lumubog sa karagatang sakop ng Guimaras at Iloilo.
Ayon kay Commander Armand Balilo, spokesman ng Philippine Coast Guard, base sa paunang resulta ng imbestigasyon, biglang paglakas ng alon o squall ang dahilan kayang tumaob ang mga bangka na ikinasawi ng mahigit sa 30 katao.
Mala ipo ipo anya itong tumama sa naturang lugar na tinatawag ring subasko ng mga mangingisda at maglalayag.
“Pwedeng mapatunayan na isang forced… baka mahirapan kasuhan kung sino man yung may kasalanan kung sakali pagkat ito ay act of nature. Yung sa sobrang lakas niya, parang kumbaga sa ipo-ipo, ang nangyyari, whirlwind. Nagke-create talaga ito ng ano doon sa mga sasakyang pandagat”. — Pahayag ni Commander Armand Balilo ng Philippine Coast Guard.
(Ratsada Balita interview)