Nanawagan ang Malacañang sa mga opisina ng bansa kaugnay sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa kanilang mga empleyado.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, dapat pa ring i-ulat ng mga ito ang naitatalang kaso, alinsunod sa rekomendasyon ng sub-technical working group on data analytics.
Nabatid na base sa ibinabang resolusyon ng Inter Agency Task Force (IATF), kailangang makipag-ugnayan ang workplaces sa kanilang local epidemiology at surveillance units para sa reporting ng kanilang COVID cases.
Ito ay habang hinihintay pang makumpleto ang pilot implementation ng Sentinel Surveillance System. — sa panulat ni Abby Malanday