Nagsagawa ng biglaang mandatory drug testing ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa kanilang mga opisyal at empleyado, kabilang si PDEA Chief Director General Aaron Aquino.
Ito ay sa kabila ng mga balitang sangkot umano ang ilang personnel ng PDEA sa mga iligal na gawain.
Ayon kay Aquino, hindi maiiwasan ang ‘ahas’ sa isang organisasyon o may gumawa ng kalokohan.
Tiniyak din ng PDEA Chief na magsasagawa sila ng summary at dismissal proceedings na kanilang isusumite sa Internal Affairs Service ng PDEA.
Ito ang ikalawang beses na nagsagawa ng drug test sa naturang ahensya sa ilalim ng pamumuno ni Aquino.
Wala namang nagpositibo sa naturang drug test na isinagawa noong Nobyembre 2017.