Idinepensa ng Department of Health (DOH) ang pasya ng pamahalaan na i-absuwelto na sa quarantine ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan sa kanilang pagbiyahe sa iba’t ibang lugar.
Ayon kay Health Spokesperson Usec. Ma. Rosario Vergeire, kinakailangang gawin ang nasabing pasya upang hindi mabalam o maantala ang transaksyon ng pamahalaan.
Wala ring nakikitang panganib ang DOH sa pagbiyahe ng mga opisyal at kawani ng gubyerno sa iba’t ibang lugar lalo’t hindi naman sila nagtatagal duon.
Gayunman, mariing pinayuhan ng opisyal ang lahat ng mga nagtatrabaho sa gubyerno na huwag ituloy ang kanilang biyahe kung may nararamdamang sintomas ng COVID-19 upang maiwasan na kumalat pa ito.