Naniniwala si dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, na ang paglalabas ng pahayag ng ilang opisyal ang isa sa mga dahilan kung bakit nabubulilyaso ang imbestigasyon sa Degamo slay case.
Binigyang diin ng dating opisyal, na hindi dapat basta-basta nagbibigay ng impormasyon sa publiko ang mga may hawak sa kasong pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa hangga’t hindi pa naluluto at nadidiin kung sino ang mastermind sa krimen.
Ayon kay Atty. Panelo, ang pananahimik ang isa sa pinaka-unang susi sa paglutas sa kaso upang maiwasan ang pagbaliktad ng mga testigo.
Iginiit pa ni Atty. Panelo na hindi dapat nauuna ang anunsiyo, mga press release, at press conference upang hindi matagalan ang paglutas sa kaso at pagbigay ng hustisya sa pamilya ng mga biktima.