Dapat papanagutin sa batas ang mga government official na responsable sa pagbili ng 3.5 Billion Pesos na halaga ng Dengvaxia Vaccines.
Ito ang ipinanawagan sa pamahalaan ni Balanga City, Bataan Bishop Ruperto Santos sa gitna ng mga ulat na ilang bata na ang nagkakasakit umano matapos bakunahan ng Dengvaxia.
Ayon kay Santos, ang “kapabayaan at pagiging iresponsable” ng ilang opisyal ang naglagay sa peligro ng mahigit 800,000 bata.
Hindi anya dapat pag-eksperimentuhan ang buhay at hindi rin ito “trial and error.”
Magugunitang nasawi ang isang Grade 5 student sa Mariveles, Bataan dahil sa severe Dengue noong Oktubre ng isang taon o ilang buwan matapos bakunahan ng Dengvaxia.