Iminungkahi ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na isailaim sa protective custody ng Senado ang importer at broker na si Mark Taguba.
Ito’y makaraang aminin ni Taguba ang kaniyang ginawang panunuhol sa ilang opisyal ng Bureau of Customs nang magsagawa ang Senado ng Executive Session.
Ayon kay Sotto batid na ng mga Senador kung sinu-sino ang mga opisyal ng customs na sinuhulan ni Taguba kaya’t nakalusot ang Bilyun-Bilyong Pisong halaga ng shabu na naipuslit sa pantalan.
Sobrang maselan ani Sotto ang mga ibinigay na impormasyon sa kanila ni Taguba lalo’t pumalo sa 17 Milyong Piso ang naibigay na suhol nito sa mga opisyal ng Aduwana sa loob lamang ng tatlong buwan.