Kinasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang iba pang mga opisyal ng barangay matapos mabigong ipatupad ang umiiral na health protocols kontra COVID-19 sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang mga nakasuhang opisyal ay nagpabaya sa kanilang nasasakupan kaya’t nagkaroon ng MFA ‘super spreader events.’
Ilan sa mga kapitan ng Barangay na sinampahan ng kaso ay sina:
Romeo Rivera ng Barangay 171 sa Caloocan;Ernan perez ng Barangay San Jose sa Navotas City;Marcial palad ng Barangay matiktik sa Norzagaray sa bulacan; Facipico Jeronimo ng barangay 181 sa Tondo sa Maynila at iba pang mga kapitan ng barangay sa iba pang lugar sa bansa.
Kabilang sa mga ito ang mismong namuno pa sa pa-boksing sa kalsada sa Tondo sa Maynila na kamakailan ay nag-viral online.
Magugunitang nagbabala na si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa opisyal na mabibigong ipatupad ang umiiral na pagbabawal sa mass gatherings sa kani-kanilang mga nasasakupan.