Kinalampag ng isang grupo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa kaliwa’t kanang paglabag ng iba’t ibang opisyal ng Barangay sa RA 11649 o ang Bayanihan to Heal as One act.
Sa ipinadalang liham ni BenCyrus G. Ellorin, ang pangulo at convenor ng Pinoy Aksyon for Governance & Environment (Pinoy Aksyon) kay DILG Sec. Eduardo Año, sinabi nito na labis nilang ikina-aalarma ang kaduda-dudang pamamahagi ng tulong pinansyal ng mga opisyal ng barangay sa ilalim ng BAHO act.
Sa ilalim kasi ng batas, binibigyang kapangyarihan nito ang mga opisyal ng barangay na mangasiwa sa pagtukoy ng mga kuwalipikadong benepisyaryo na kanilang isusumite sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa Social Amelioration Program (SAP).
“We cannot help but speculate on how something like this can happen right under the watch of other barangay officials. How did a barangay councilor like Flores have easy access to the SAP funds? Perhaps, barangays should implement checks and balances in the SAP process. Otherwise, the funds meant for those in need will just be stolen by those who are plain greedy” ani Ellorin.
Malinaw din ang tagubilin ng DSWD na dapat isang pamilya lang ang makatanggap ng hindi bababa sa P5,000 hanggang P8,000 ayuda at hindi dapat makatanggap dito ang mga indibiduwal lalo’t kung may ibang tulong na silang natanggap mula sa gobyerno.
Kasunod nito, hiniling din ng grupo kay Año na isailalim sa lifestyle check ang mga opisyal ng barangay na labis-labis na nakinabang sa tulong na nakalaan sana para sa kanilang mga nasasakupan.
“Now, more than ever, as the whole country continues to deal with a massive public health crisis, barangay officials must be able to protect the government’s resources so that those who need it would benefit from it. We, the concerned citizens of the Philippines, are giving our full support to the DILG in tracking down SAP scammers and bringing them to justice” ani Ellorin.
Kabilang sa mga inirereklamong opisyal ng barangay ng grupong Pinoy Aksyon ng mga lugar ng Muzon sa San Jose del Monte City at Hagonoy sa Bulacan, Tupi at Lake Sebu sa South Cotabato gayundin ang Sta. Maria sa Ilocos Sur.