Umalma ang mga lokal na opisyal ng Malay, Aklan makaraang bansagang suplado at mapagmatigas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mamamayan ng Boracay.
Ayon kay Rowen Aguirre, Executive Assistant to the Mayor ng Malay Town, nababahala na ang kanilang mga kababayan sa bantang pagsasara gayundin sa pagdideklara ng State of Calamity sa kanilang isla.
Kasunod nito, tiniyak din ni Aguirre ang kanilang pangako na makikipag-tulungan at susuportahan ang mga hakbang ng pamahalaan para sa ganap na pagsasaayos ng kanilang lugar.
Samantala, isinisi naman ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño sa mga kapitan at mga opisyal ng barangay sa Boracay ang sinapit ngayon ng naturang isla.
Dahil dito, Sinabi sa DWIZ ni Diño na irerekumenda na niyang suspindehin ang mga opisyal ng barangay na nagpabaya at sangkot sa katiwalian na nagresulta sa pagiging malaking pozo negro ng isla.
Bigyan agad ng preventive suspension ang gawin dito kunin agad ang record ng barangay para makita natin kung saan napunta yung mga binayad yung mga nagtayo dyan magmula sa bahay, magmula sa restaurant hanggang sa hotel, dahil lahat yan kukuha ng clearance yan, then yung mga mayor, then mula dito parusahan natin ang mga nagkasala dyan”. Bahagi ng pahayag ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño