Inirekumenda ng House Committee on Dangerous Drugs ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC).
Ito’y kaugnay sa nabunyag na paglusot ng mahigit 600 kilo ng shabu sa customs bureau na nagkakahalaga ng P6.4-B.
Ayon kay Committee Chairman at Surigao Representative Robert Ace Barbers, kasong kriminal at administratibo ang kanilang inirekumenda laban kina Customs Chief Nicanor Faeldon, Director Niel Estrella, Director Milo Maestrecampo at Deputy Commissioner Gerardo Gambala.
Kasunod nito, inirekumenda rin ng komite ang pagsasampa ng kaso laban kina Richard Tan o Richard Chen, Manny Li, Kenneth Dong gayundin sa mga broker na sina Mark Taguba at Teejay Marcellana dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.