Isasailalim ng PNP o Philippine National Police sa Oplan Tokhang ang mga opisyal ng barangay na napabilang at pinangalanan ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, oras na makakuha na sila ng kopya ng validated narco list mula sa PDEA, kanilang kakatukin at pakikiusapan ang mga barangay officials na drug user maging ang mga protektor.
Sinabi ni Albayalde, kanilang isasailalim sa rehabilitasyon ang mga drug user na opisyal ng barangay habang hahanapan naman ng ebidensya para makasuhan ang mga protektor.
Posible rin aniya nilang silbihan ang mga ito ng search warrant at maging target sa mga anti-drug operation.
Iginiit ni Albayalde, pareho ang kanilang gagamiting paraan ng tokhang sa mga barangay officials tulad ng sa mga ordinaryong sibilyan.