Pinagbibitiw sa pwesto ng Local think tank na Infrawatch PH ang mga matataas na opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Kasunod ito ng naitalang aberya sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA na nakaapekto sa libo-libong pasahero.
Ayon kay Infrawatch PH convenor Terry Ridon, hindi katanggap-tanggap ang paliwanag na CAAP lalo’t nagdala ang krisis ng “international embarrassment” sa Pilipinas.
Sinabi naman ni Ridon na ang kakulangan ng badyet ay hindi dapat maging dahilan para sa CAAP, lalo’t maaaring gumamit ng programa upang suriin at ayusin ang mga kagamitan nito.
Matatandaang sa power outage at technical problem na naganap noong linggo, hindi bababa sa animnapu’t limang libong pasahero ang na-stranded.
Wala pa namang pahayag ang CAAP sa sinabing ito ng Infrawatch PH.