Inanunsyo ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na hindi masisibak sa pwesto ang mga opisyal ng Caloocan Police.
Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, kuntento si General Bato sa ginawa ng Caloocan PNP matapos maaresto ang 1 sa mga suspek sa pamamaril, habang nagpapatuloy pa ang manhunt operation sa 3 iba pang suspek.
Sa naturang insidente, 7 ang patay sa pamamaril, kasama ang 1buntis at 5 menor de edad sa Bagong Silang, Caloocan noong Miyerkules.
Matatandaang binigyan ni Dela rosa ng 24 oras na palugit ang Caloocan Police para maresolba ang kaso.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal