Sinampahan na ng kasong administratibo ang lahat ng mga opisyal ng DOH o Department Of Health na nasa likod ng Dengvaxia Vaccination Program ng nakalipas na administrasyon.
Mga kasong grave misconduct at gross negligence ang isinampa ng PAO o Public Attorney’s Office, VACC o Volunteers Against Crime and Corruption gayundin ng Vanguard of the Philippines Constitution sa Office of the President.
Kabilang sa mga kinasuhan sina Usec. Carol Tanio; Usec. Gerardo Bayugo; Usec. Mario Villaverde; Asec. Nestor Santiago; Usec. Lilibeth David; Asec. Lyndon Lee-Suy; dating Dir.Laureano Cruz; Dir.Joyce Ducusin; Dir.Mar Wynn Bello; Dir.Leonila Gorgolon; Dir. Rio Magpantay; Dir.Ariel Valencia at Dir.Julius Lecciones.
Kasunod nito, pinasisibak din ng mga naturang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nabanggit na opisyal dahil sa anila’y pamumulitika ng mga ito dahil ginawa ang pagbabakuna sa panahon ng kampanya nuong 2016.
Posted by: Robert Eugenio