Dapat magkaroon ng episyenteng mga opisyal ang Department of Transportation and Communications o DOTC, Manila International Airport Authority o MIAA at ng Office for Transport Security o OTS.
Ito ang nakikitang solusyon ni Senadora Grace Poe sa naging takbo ng pagdinig kahapon sa senado kaugnay sa usapin ng tanim bala modus sa NAIA.
Ayon kay Poe, mahalagang matukoy sa lalong madaling panahon ang mga taong nasa likod ng nasabing modus upang agad mapanagot sa batas.
Bukod dito, sinabi ni Poe na dapat gamitin nila DOTC Secretary Jun Abaya ang kaniyang mandato para pulungin ang National Aviation Security Council upang pag-usapan ang mga isyung bumabalot sa mga paliparan.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)