Pinulong ni Pangulong Noynoy Aquino ang mga opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC).
Sa harap na rin ito ng sunud-sunod na insidente ng tanim bala sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA kung saan, kadalasang biktima rito ay ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) gayundin ang mga turista.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, binigyang ng briefing ng mga taga-DOTC ang Pangulo hinggil sa usapin.
Nagbigay na rin aniya ng kautusan ang Pangulong Aquino para mapaigting ang mga pagsisikap na matigil ang ganitong insidente.
Pinupuna ngayon ng mga kritiko ang palasyo dahil sa tila pagiging malamiya sa pagtugon nito sa problema sa paliparan.
Gayunman, sinabi ni Lacierda na ang DOTC ang siyang inatasang maghayag sa publiko hinggil sa mga gagawing hakbang para mapawi ang pangamba ng mga pasahero sa NAIA at maalis ang pangit na impresyon sa mga tauhan ng NAIA.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)