Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat commissioner ng Energy Regulatory Commission o ERC na magbitiw na sa pwesto.
Ayon sa pangulo binaboy ng mga opisyal na ito ang ERC batay sa natanggap nitong internal at intelligence reports na nagsasabing mayruong anomalya sa ahensya.
Kabilang dito ang mga kwestyonableng appointments kung saan lumalabas na masyadong marami ang consultants ng ERC.
Kasabay nito, hihilingin din ng Pangulong Duterte sa kongreso na tuluyan nang buwagin ang ERC.
Una rito, nagpatiwakal ang ERC director na si Francisco Villa Jr. dahil umano sa kurapsyong nagaganap sa loob ng ERC.
By Ralph Obina