Nasa Kuwait ngayon ang ilang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas para pag-aralan ang epekto ng deployment ban sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs doon.
Ayon kay Deputy Minister for Labor and Employment Ciriaco Lagunzad, nakipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang samahan ng mga Pinoy workers sa Kuwait para alamin kung maayos at ligtas ang kondisyon ng mga ito.
Ilan aniya sa mga hiling ng mga OFW doon ay mapayagan sila na makagamit ng kanilang mga cellphone at passport na kalimitang iniiwan sa pangangalaga ng kanilang mga employers.
Una rito, nanawagan naman ang ilang mga OFW at recruitment agencies sa gobyerno na alisin na ang deployment ban sa Kuwait dahil naaapektuhan na ang kanilang kabuhayan.
—-