Ipinaalala ng Department of Health (DOH) sa publiko lalo na sa mga opisyal ng gubyerno na kailangan pa ring mag-self quarantine kahit pa nagnegatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.
Ito’y ayon kay Dr. Beverly Ho, ang director ng DOH Health Promotions and Communications Service ay sakaling magkaroon ng exposure sa isang COVID-19 positive.
Ayon kay dr. Ho, malinaw ang direktiba ng World Health Organization (WHO) hinggil sa kahalagahan ng quarantine sa mga na-expose sa COVID-19 positive patients kahit ano pa man ang resulta ng isinagawang test.
Kabilang sa mga napaulat na lumabag sa self-quarantine sina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker Mikey Romero, Diwa Partylist Rep. Mike Aglipay at House Sec/Gen. Dong Mendoza na nagkaroon ng direct contact kay TESDA Dir/Gen. Isidro Lapeña na nagpositibo sa virus.
Kasama umano ng house leaders si Lapeña Sa isang hapunan sa isang 5 star hotel sa Taguig kasama ang iba pang alumni ng Philippine Military Academy (PMA) nuong Nobyembre 29.
Kitang kita sa Facebook post ng nasabing pagtitipon na walang suot na facemask ang mga dumalo kung saan, nakumpirma si Lapeña na positibo sa virus makalipas ang dalawang araw.