Malaki ang posibilidad na makalusot sa preventive suspension ang mga opisyal ng gobyerno na may kasong katiwalian.
Ito ay sa sandaling maisabatas ang isang panukala na isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pasok na sa ikalawang pagbasa ng Kamara.
Batay sa House Bill No. 6590 ni Alvarez, mayroong exception sa mga opisyal na maaaring mapatawan ng preventive suspension sakaling makasuhan ng paglabag sa Anti – Graft Law.
Nakasaad dito na hindi kailangang suspendihin ang opisyal na may kasong graft kung ito ay nasa ibang posisyon na at wala na sa dating puwesto kung saan nangyari ang sinasabing katiwalian.