Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 255, 253 at 256 ng National Internal Review Code of 1997 dahil sa kabiguang magbayad ng karampatang buwis sa pamahalaan ang mga opisyal ng isang stainless steel manufacturer.
Sa isinampang reklamo sa Department of Justice (DOJ) noong huling linggo ng Disyembre 2017, hiniling ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na isailalim sa preliminary investigation ang mga opisyal ng CQS Stainless Corporation na sina Teodulo Tayag Jr. at Albert Lin, Presidente at Vice President ng kumpanya, finance officer na si Ivy Chung at corporate secretary na si Lenida David Condol.
Iginiit ng BIR na nabigo ang mga opisyal na bayaran ang mga buwis simula Hulyo taong 2016 hanggang Setyembre ng nakaraang taon.
Umaabot sa mahigit tatlong milyong piso (P3-M) kabilang na ang interes at danyos na kailangang bayaran ng nabangit na kumpanya.