Pinangunahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kasong syndicated estafa sa mga opisyal ng online scam na Emgoldex.
Ito ay matapos mismong ang dalawang tauhan nito ay makuhanan ng pera at maloko sa sinasabing online investment scam.
Naghain ang Criminal Investigation and Detection Group Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit ng dalawang magkahiwalay na estafa case laban sa 7 mga executives ng Emgoldex na kinalaunan ay ginawang Global Intergold o GIG at ang bagong tayong Prosperous Infinite Philippines Holdings Corporation.
Kasama sa mga kinasuhan ay ang sinasabing lider ng grupo na si Kevin del Mundo,Ryan Manuit, Paul Alviar at iba pa.
By Rianne Briones