Ipapatawag o ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng board ng Philhealth.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay para pagpaliwanagin ang mga taga Philhealth kaugnay sa ghost dialysis controversy.
Ipinabatid ni Panelo na plano ng pangulo na balasahin ang pamunuan ng Philhealth para maalis ang korupsyon dito.
Sa ngayon aniya ay nananatili pa ang tiwala ng pangulo kay Philhealth Acting President Roy Ferrer.