Nag-ikot ang mga opisyal ng Philippine Embassy sa mga piitan sa Lebanon.
Ito’y para magpaabot ng legal assistance sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nakakulong sa naturang bansa at mapaaga ang kanilang paglaya.
Sa kasalukuyan, nabawasan na ng 70% ang mga nakulong na Pinoy sa Lebanon at nakauwi na ng bansa sa pamamagitan ng repatriation flight ng embahada.
Habang labing apat na distressed OFWs mula sa nasabing bansa ang dumating sa bansa kabilang na ang mga nakulong sa ibat ibang kaso.