Nagkasundo ang Pilipinas at China na maayos nilang paplantsahin ang gusot hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang inilathala sa Chinese State Run Xinhua News Agency batay sa isang pahayag mula sa Department of Boundary and Ocean Affairs ng China.
Lumabas ang ulat kasunod ng nangyaring pulong sa pagitan nila Director General Yi Xian Liang kina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Undersecretary Enrique Manalo.
Nagkasundo rin umano ang dalawang bansa na panatilihin at protektahan ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea.
Magugunitang kinumpirma kahapon ng Malacañang na naghain na ng protesta ang Pilipinas sa China kaugnay ng ginagawa nilang militarisasyon sa bahaging iyon ng karagatan.
—-