Sasailalim sa lifestyle check ang mga police generals at colonels na nagsumite ng kanilang ‘courtesy resignation’.
Ayon kay PNP chief Pol. Gen Rodolfo Azurin Jr., bahagi ito ng mga gagawing hakbang ng five-man committee na mag a-asses ng courtesy resignations at gagawa ng rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Batay sa pinakahuling datos, mahigit limandaang high-ranking police officials ang naghain na ng kanilang ‘courtesy resignation’, ngunit hindi pa malinaw kung kabilang dito ang sampung napaulat na sangkot sa illegal drug trade.