Handang humarap ang mga opisyal ng PNP-National Capital Regional Police Office sa gagawing imbestigasyon ng Senado at Commission on Human Rights sa pagkamatay ni Kian Loyd Santos sa anti-drug raid ng mga otoridad.
Sinabi sa DWIZ ni PNP-NCRPO Director Pol. Chief Supt. Oscar Albayalde na bukas sila sa hakbang ng mga mambabatas para masagot ang mga nais malaman sa insidente.
Hindi aniya nila kinukinsinti ang mkanilang mga operatiba sakaling mapatunayan ang bintang na sadyang pinatay ang biktimang si Delos Santos.
Wala aniyang utos na gamitin ang dahas at abusuhin ang batas sa paglulunsad ng anti-drug operations at ang malinaw lamang na bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte ay lumaban ang pulis kapag buhay nila ay nalalagay sa alanganin.