Tuluyan nang sinibak sa pwesto ang regional director ng Police regional police office 8 na si Chief Superintendent Mariel Magaway.
Kasunod ito ng naganap na pagsalakay ng mahigit isang daan armadong rebelde na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army o NPA sa Lapinig Municipal Police Station.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tumagal ng 15 minuto ang bakbakan kung saan dalawang pulis ang napaulat na nasaktan na kinilalang sina PO2 Jerry Quilecol at PO1 Edizon Aguere.
Una rito, sinibak sa pwesto ni PCP Chief Police Director Oscar Albayalde ang lahat ng tauhan ng Lapinig Municipal Police Station sa Northern Samar at kanilang immediate superior officers dahil sa nasabing pag – atake.