Tila sinisisi ng Iran ang mga opisyal ng Saudi Arabia sa nangyaring stampede sa Hajj Pilgrimage sa Mecca na ikinasawi ng mahigit 700 pilgrims.
Dahil dito, pinatatawag ng foreign ministry ng Iran ang charge d’ affaires ng Saudi Arabia para magpaliwanag sa anito’y kakulangan sa pag iingat kayat nangyari ang nasabing trahedya
Ayon sa Deputy Minister for Arab and African Affairs ng Iran, kasalanan ng Saudi authorities ang stampede dahil sa kabiguang magbigay ng maayos na seguridad sa mga pilgrims.
89 sa mga nasawing pilgrims at 60 nasugatan ay mula sa Iran.
By: Judith Larino