Nasa gitna ng balasahan ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI), sa gitna ng isyu na ilang manggagawang pilipino ang dinala sa Myanmar upang maging “Crypto Scammers”
Ito ang sinabi ni Melvin Mabulac, Deputy Spokesperson ng Immigration Department, matapos lumabas sa pagdinig ng senado na ilang pilipino ang nire-recruit sa thailand bilang call center agent, ngunit dadalhin sa myanmar para magtrabaho bilang scammer sa isang chinese syndicate.
Ayon kay Mabulac, maliban sa reshuffle ay kumikilos na rin ang inter-agency task force sa ilalim ng kampanya laban sa human trafficking para maiwasan ang mga katulad na insidente.
Sa ngayon, bagama’t wala pang pinaghihinalaang suspek ang Immigration Department, tiniyak ng mga ito ang pakikipag-ugnayan sa opisina ni Senator Hontiveros para sa pagsasagawa ng imbestigasyon.