Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa pamahalaan na isailalim sa lifestyle check ang mga security personnel sa paliparan dahil sa umiiral na laglag bala modus.
Ayon sa CBCP, dapat imbestigahan ng mga otoridad ang mga naatasang mag-inspeksyon sa mga bagahe lalo na yung mga nakakahuli ng umano’y may bitbit na bala sa mga bagahe.
Sinabi ng Simbahang Katolika na nakalulungkot isipin na napagsasamantalahan ng ilang mga airport security personnel ang Comprehensive Firearms and Ammunition para lamang makapangikil ng pera mula sa mga pasahero.
By Meann Tanbio | Aya Yupangco (Patrol 5)